NI BETH GELENA
AYON kay Nadine Lustre, anim na taon na raw siyang binu-bully kaya sanay na siya sa mga bashers.
Kinaya raw niya ang lahat ng pambabastos at pambu-bully ng mga negatron sa kanyang social media.
Lahat na ng klaseng pamba-bash at panlalait, naranasan na raw niya simula ng pasukin niya ang showbiz.
Kaya naman talagang nakaka-relate raw ang fan-proclaimed “President” sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Ibinulalas ni Nadine ang mga naranasan niya noong negatibong salita against her.
“The past 6 years? Gurl, I went through all of it. From bashers, intriga to fake news left and right. Every year na lang buntis? Wala na bang bago?
“Kinaya ko naman. I don’t need no savin’. I’m no damsel in distress pero gusto ko rin naman ng peace of mind.
“Don’t worry, mga kababayan. We will make sure na qualified ‘yung papalit sa akin. I know someone who went through worse.
“Bashers, intriga, fake news for the past six years but she still served tirelessy, faithfully, wholeheartedly dahil alam niyang deserve nating mga Pilipino. Ibang klaseng husay at tibay just to drown out the noise,” say pa ni Nadine.
“She speaks up for you and helps you to find your voice. Kapag mahal ka, babalikan ka.
“Ganyan ang presidente. ‘Yan naman ang gusto nating lahat diba? ‘Yung laging present at hindi ka iiwan.
“Kaya mga kababayan, magtiwala tayo, ako na ‘to eh. Lahat naman tayo gusto ng tahimik na buhay, di ba?
“Someone who can make us sleep better at night. Someone who can draw out our goodness and someone who can make us proud of ourselves.”
Tinawag ng supporters ni Nadine na “president” ang aktres mula nang simulan niya ang pagtulong sa mga nangangailangang miyembro ng LGBT community at sa mga naging biktima ng Typhoon Odette sa Siargao.