NI BETH GELENA
Pumalag ang direktor na si Darryl Yap hinggil sa isyung dineklara sa kanila ni Ai Ai delas Alas na “persona non grata” ng Quezon City Council bunsod ng umano ay mapanira nilang election video ay mistulang binastos ang simbolo ng Quezon City.
Sa gitna ng paninindigan ng Quezon City, ayon sa direktor ng video na si Yap , protektado pa rin daw siya ng creative freedom.
“I am keeping my rights and license for creativity and if people get affected then it only goes to show my relevance is effective
“Public officials and public offices are subject to spoof and satire gaya ng ginawa ko, dapat alam nila yon mula umpisa! “ pahayag ni Yap.
Ang kontrobersyal na campaign ad video na ginawa ni Yap at Ai Ai na laban umano kay Mayor Joy Belmonte ang naging mitsa ng resolusyon ng Quezon City Council para ideklara silang “persona non grata” ng lungsod.
Wala pang official statement ang comedienne-actress na si Ai Ai dahil nasa Amerika at nagbabakasyon.
Pero ayon sa kanyang kampo, hindi na dapat isinama ang aktres sa resolusyon dahil hindi naman siya kasama sa art department na nag-deface umano sa Quezon City seal.
Indefinite ang deklarasyong persona non grata sa dalawang personalidad , pero maaari raw itong ma-lift kung mag-apologize sila sa mga taga-Quezon City, bagay na hindi naman daw gagawin ng direktor.














