Latest News

PAULINE MENDOZA HANDA NA SA MATURED ROLE

NI WALLY PERALTA

MARAMING mga Kapuso followers ang nagulat at hindi halos nakilala si Pauline Mendoza sa poster nang bago niyang seryeng ginagawa sa Siete na “Widows’ Web” kasama sina Carmina Villaroel, Ashley Ortega at Vaness del Moral.

Eh, kasi naman payat na payat tingnan si Pauline at kakaiba sa nakasanayan ng kanyang supporters sa previous serye na ginawa niya.


Bakit kaya pumayat si Pauline?

Nagmukha tuloy siyang matured woman na malayo sa tunay niyang edad na 22 years old.

“I’m very excited about this and really grateful talaga dahil this is my very first matured role. Kakaiba siya sa roles ko in my previous teleserye which is ‘Kambal, Karibal’ ‘Babawiin Ko Ang Lahat,’” kuwento ni Pauline.

Dahil matured role ang kanyang karakter kaya kahit mahirap, sinubukan ni Pauline na magbawas ng timbang.


Naging epektibon naman ang paraan ng Kapuso aktres sa pagpapayat.

“Very challenging ito, pero I take it as a challenge talaga to motivate myself as an artist na kailangan ibigay ko ‘yung 100% ko for this role, I had to give justice to this role kasi sobrang bigat ng karakter ng karakter ko sa ‘Widows’ Web’ at talagang marami siyang pinagdaanan,” say pa ng Kapuso young actress.

Tags:

You May Also Like

Most Read