Latest News

PASTOR QUIBOLOY NASA WANTED LIST NG FBI

NI JULIE E. BONIFACIO

NASA wanted list na ang lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy ng US Federal Bureau of Investigation (FBI).

Dawit sa patung-patong na kasong may kaugnayan sa sex trafficking at bulk cash smuggling si Pastor Quiboloy dahilan para isama siya sa most wanted list ng FBI.

Todo-react siyempre pa ang mga Marites sa socmed sa balitang ito.

“Deserve na deserve??????????????”

“Sa fbi pala ‘di lang wanted , most pa ??”

“Sabihin mo stop!!!!????”

“Karma is REAL. I thought ba ABS-CBN ang magsasara. Hayan tuloy, nag-BOOMERANG sa yong fake kingdom, bwahahah”

Waiting galore for sure ang netizens sa reaksyon ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na nakabatuhan ng sarkastikong statements ni Pastor Quiboloy.

Ayon sa ibang Marisol, mas maigi na rin daw na huwag ng magbigay ng kanyang comment si Vice sa kinasasangkutan ni Pastor Quiboloy sa FBI ngayon.

Unless, si Vice mismo ang type mag-reak.

Gusto mo ba, Vice?

Tags:

You May Also Like

Most Read