“Masaya ako para sa kanya.”
Ito ang reaksyon ni Paolo Contis sa engagement issue ng dati niyang live-in partner na si LJ Reyes kay Philip Evangelista at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang Kapuso actor.
Marami nga raw ang tumatawag sa kamya para kunin ang kanyang reaksyon, pero hindi raw niya in-entertain ang mga tumatawag.
“Masaya ako for her. Kasi, deserve niya maging masaya,” giit ni Paolo.
Sa ngayon ang tanging hangad lang ng aktor ay ang makita si Summer, ang anak niya kay LJ at ang dalawa pa niyang anak kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene.
Samantala, busy ang actor sa paggawa ng movies at halfway na sila ng pelikulang pinagsamahan nila ng dating “Tabing-Ilog” cast na sina Kaye Abad at Patrick Garcia.














