PAOLO BALLESTEROS ‘HINAMON’ SI LA SANTOS

NI BETH GELENA

Natyempuhan namin si LA Santos sa backstage nu’ng awards night ng 3tth PMPC Star Awards for TV.

Na-late.kasi ang aktor kaya hindi niya naabutan nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Best New Male TV.Personality sa teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” kung saan ka-tie niya si Ranshie de Guzman sa “Huwag Kang Mangamba.”


Parehong Kapamilya ang dalawang winnable actor.

Anyway, galing sa isang event si LA kaya siya na-late.

Pinilit daw talaga niyang makahabol sa Star Awards dahil moment daw sa kanya ang gabing ‘yun.

Nabigyan naman ng pagkakataon si LA na magbigay ng acceptance speech kaya walang pagsidlan ng tuwa ang New Male Actor.


Naikuwento rin ni LA na may mga upcoming projects siyang naka-line up na gagawin ay isa na ang isang project na pagsasamahan nila ni Maricel Soriano.

Looking forward na raw siyang makasama ang Diamond Star.

Hindi bilang actor unang nakilala si LA kundi isang singer.

Aniya, mas gusto muna niyang pagtuunan ang acting.


Andyan lang naman daw ang musika na any moment pag gusto niyang kumanta ay kakanta siya.

Iga-grab niya ang opportunity sa pag-arte habang may offer.na dumarating.

Samantala, nag-sink-in pala ang sinabi ni Paolo Ballesteros sa acceptance speech nito nang manalo bilang Best Male TV Host.

Namention ni Paolo si LA.

Ani ng Eat Bulaga TV host : “O LA, naging New Male TV Personality din ako after 20 years, eto ako ngayon.”

Ang reaksyon ni LA: “Iisa lang po ang reaksyon ko, ganda talaga ng future ko?” na ikinahalakhak ng mga nakapaligid sa kanya.

Kung kami naman ang tatanungin, pakiwari namin.ay parang may himig paghahamon ang TV host ng “Eat Bulaga” kay LA.

Tags: LA Santos

You May Also Like

Most Read