NI GERRY OCAMPO
Hindi na ikinagulat ni Paolo Contis kung bakit naging public na naman ang post na pasasalamat niya kay Yen Santos sa Facebook dahil sa ipinadalang adobo with matching brown rice.
Inunahan na nga ni Paolo ang magiging reaction ng netizens sa ipinost niyang caption na adobo at brown rice.
“Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa yan mamaya! #Adobash thank you babikwoooh…”
Dahil na rin sa post ni Paolo, nabuking tuloy na Babikwooh — o “baby ko” siguro ang ibig sabihin — na ito ang tawag niya kay Yen.
Natatandaan ng netizens na nag-request ng adobo si Paolo pagkatapos na padalhan siya ng kaldereta ni Yen.
Biniro pa si Paolo ni Minnie Aguilar ng “Alagang-alaga,” na sinagot naman ni Paolo ng, “Oh, yes!”
Curious tuloy ang netizens na malaman kung pinagluluto ni LJ Reyes si Paolo noong nagsasama pa sila. Kasi parang ngayon lang daw nakatikim ng adobo at kaldereta ang aktor.
Nalaman na rin tiyak ni Paolo ngayon kung sino sa mga kaibigan niya ang naglalabas ng post na galing sa kanyang personal FB account.
Napapanood pa rin si Paolo sa “Bubble Gang” every Friday, 9:40 pm sa GMA 7.
Malaking tulong kay Paolo ang pagkakasama sa longest-running gag show sa telebisyon.
Kapag may problema siyang pinagdadaanan, nandiyan ang BG barkada niya para alalayan siya at bigyan ng suporta sa kinakaharap na problema.