MAY special screening ang pelikulang “Pandemic Sunset.”
Masayang itinext ito sa amin ng baguhang direktor na si Julius Bergado, ang kanyang first directorial movie.
Aniya, magkakaroon sila ng screening sa June 11, 11 a.m. to 1 p.m. sa Cowboy Grill, Mabini, Manila.
Pawang mga baguhan ang mga artista ng “Pandemic Sunset.”
Pero hindi matatawaran ang akting nila dahil dumaan sa matinding workshop ang mga ito.
Natanong nga namin ang baguhang direktor na si Julius, why “Pandemic Sunset” ang title?”
Aniya: “Inspired by a true story po kasi ‘y noan ng magkakapatid during pandemic.”
Maganda rin ang synopsis ng movie.
Istorya ito ng magkakapatid na ginagampanan nina Jira Dolores at Romy Vergara, parents ng magkakapatid na sina Angela Ruiz, Andria Lacambra, Dahna Reyes, Princess Bakunawa, Lita Marian Montano at Veronica Laoreno
Judayn.
Ang “Pandemic Sunset” ay tungkol sa mga magkakapatid na naging biktima ng pang aabuso, pang momolestiya ng kanilang ama.
Ang movie ay entry sa Famas Awards.