Latest News

Panawagan sa MMDA: MMFF IPAMAHALA NA SA FDCP — VIVIAN VELEZ

NI BETH GELENA

PRESENT si Film Academy of the Philippines director-general Vivian Velez sa paglulunsad ng “Pelikulaya 2022” film fest sa Amrak Comedy restobar sa Lopez Drive, Quezon City.

Pride month ang buwan ng Hunyo kaya naman sa pamumuno ni FDCP chairwoman Liza Dino, nakasuporta ang buo niyang team sa “Pelikulaya” — mula sa mga salitang pelikula, kulay, at laya.

Hybrid festival ito ng LGBTQIA+ films mula Hunyo 10 hanggang 26, bilang pagdiriwang ng Gay Pride Month at 20th anibersaryo ng Film Development Council of the Philippines.

Nakasuporta rin ang FAP director general sa adhikain ng FDCP at LGBTQIA+.

Sa interview kay Miss Vivian, natanong siya ukol sa tinatakbo industriya ngayon.

“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival… ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo kami,” pahayag ni Miss Vivian.

Nananawagan din siya na ipaubaya sa FDCP ang pamamahala sa taunang Metro Manila Filmfest.

Binigyang-diin ni Miss Vivian na maraming critical issues ang kailangang i-address kaugnay sa kalagayan ng pelikulang Pilipino.

“Patay na ang ating pelikula. Kung hindi dito sa ating mga young filmmakers, kasi mga greenhorn pa sila, ‘no? Idealist pa.

“Magaling pa silang manghingi ng pera sa mga magulang nila!”

Nasa open forum din ang mga direktor at producer ng short films sa “Pelikulaya” festival na karamihan ay mga estudyante.

“But you know, how long will it last?

“So, kailangan talaga, yung ating distribution, that’s very critical.

“Number two, pinag-usapan namin iyan sa board, we should be able to take back Metro Manila Film Festival.

“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival. Alam ko, marami akong puwedeng sabihin because puwede na akong magsalita ngayon dahil by experience ng Film Academy of the Philippines…

“Under MMDA, ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo kami. Ang gusto ko sanang mangyari, at the helm of Chair Liza. Kasi, talagang alam na alam niya kung paano gawin ang mga festival na ito.

“Nasa mandate ito ng FDCP. Sana, tulungan ninyo kami na kalampagin ang MMDA na, ‘Maawa na kayo sa industriya! At ibigay ninyo ang Metro Manila Film Festival sa FDCP para ma-manage nang mabuti ito!” mariing panawagan ni Ms. Vivian.

Dinugtungan naman ni Chair Liza ang panawagan ni Ms. Vivian.

“Sana with this new administration, I know how much it has given support to arts and culture in the past and if there’s one thing that we saw is they never saw arts and culture as an expense, and it is not an expense. It’s the soul of the country.

“I hope that eto na… hindi lang po suporta, hindi lang po pagbibigay at pagtsa-champion sa ginagawa ng mga ahensya na nakakatulong sa pelikula.

“Pero, investment. Let’s invest in our film industry.”

Tampok sa Pelikulaya 2022 ang Manila By Night (Ishmael Bernal), Ang Tatay Kong Nanay (Lino Brocka), Esoterika: Maynila (Elwood Perez), Markova: Comfort Gay (Gil Portes), at Big Night! (Jun Robles Lana), atbp.

Puwede ring i-streaming online ang mga pelikulang ito sa FDCP Channel sa ilalim ng Spectra Pelicula segment.

Ang face-to-face screenings ay sa FDCP Cinematheque Centres (Manila, Iloilo, Davao, Negros at Nabunturan), Metropolitan Theater, at Cinema ‘76-Anonas.

Tags:

You May Also Like

Most Read