NI BETH GELENA
NAG-TRENDING ang paglipad ng shoes ni Sandara Park habang nagpe-perform ang grupo niyang K-pop girl band na 2NE1 sa Coachella event.
Ikinuwento ni Sandara ang pagtalsik ng kanyang sapatos sa kanyang social media account.
Sobrang energetic kasi si Sandara dahil reunion performance nila ‘yun ng grupo mula nang na-disband sila.
Sa kanyang social media account, sinabi ng KPop star na nakuha naman niya ang kapares ng lumipad na sapatos, pero hindi na raw niya nakuha añg medyas.
Marami ang naaliw sa post ni Sandara na habang kumakanta at sumisipa-sipa. ay tumalsik ang isa niyang sapatos.
Kaya sa larawang naka-post ang kabilang paa ni Sandara ay walang shoes.
Ang dami tuloy memes na naglabasan at isa sa nag-comment ang kaibigan niyang si Joross Gamboa.
Pabirong tinawag ni Joross si Sandara na “Cinderella” dahil sa nawawalang isa niyanng sapatos.
“Kung kaninong Prince Charming man ang Sapatos ni Cinderella paki balik na ang sapatos,” comment ni Joross.
“Down to earth ka talaga @daraxxi. Nakatapak lagi sa lupa,” dagdag pa ni Joross.
Si Sandara ay popular South Korean singer, actress and television presenter.
Una siyang sumikat dito sa Pinas nung sumali at manalo sa Kapamilya talent show na “Star Circle Quest” noong 2004.
Bumalik ng South Korea si Sandara noong 2007 para subukang makipagsapalaran sa sarili niyang bansa.














