Latest News

Pagkatapos ng isang dekada… YENG, RYAN BANG MAY CLOSURE NA!

SA segment ng It’s Showtime na Tawag Ng Tanghalan ay isa sa judges ang singer na si Yeng Constantino.

Sa nasabing sa segment ay nabulgar na may “love story” pala itong sina Ryan Bang at Yeng.

Ini-reveal nina Yeng at Ryan ang naging ligawan nila noong 2010.


Dahil sobrang mahiyain ang Korean TV host, hindi nagkaroon ng chance na maging sila.

Nitong Biyernes, naungkat ang past nina Yeng at Ryan nang isang contestant ang nagsabing nag-aalangan itong pumasok sa isang relasyon dahil natatakot siyang masaktan.

Natoka kay Yeng na magkomento sa sinabi ng contestant, pero bago mahbigay ng kanyang opinyon ay umayon muna siya sa sinabi nitong nakakatakot masaktan pagdating sa pag-ibig.

Say ni Yeng: “Minsan, kahit hindi mo nga naging dyowa, e, basta nagparamdam na sa iyo tapos biglang nawala. Naku, napakasakit talaga!”


Saka niya biglang tinanong si Ryan: “Di ba, Ryan?”

Nagulat naman si Ryan sa tanong ni Yeng.

Sumahog si Vice Ganda sa dalawa at tinanong din si Ryan kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Yeng.

Napilitang magtapat ang Korean host at inamin niyang niligawan niya si Yeng nu’ng 2010.


“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin nu Ryan.

Sumagot naman ang singer-composer: “Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape.”

Tinanong naman ni Vice kung ano ang na-feel ni Yeng nang tumigil magparamdam ni Ryan.sa kanya.

“Oo, na-sad ako noon,” sabi ni Yeng.

Kung nagtuluy-tuloy lang daw noon si Ryan sa panliligaw kay Yeng, may chance naman daw siyang mapasagot ang singer.

“Siyempre ngayon, iba na, may asawa na ako.

Sagot ni Ryan:“Akala ko, ayaw mo sa akin.”

“Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas.”

Dahil hindi pumapayag si Yeng na kada yaya ni Ryan na-conclude itong: “Akala ko ayaw niya sa akin.”

“Tapos, sumasama ka kay Richard Poon. ‘Yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay.”

Meaning pinagselosan pala ni Ryan si Richard kaya ito humintong ligawan ang singer.

Say ni Yeng, naiintindihan na niya ngayon kung bakit tumigil manligaw sa kanya si Ryan.

Puri pa ng singer-composer kay Ryan: “Feeling ko, suwerte ng magiging dyowa nito. Kasi napakalambing talaga.”

Kuwneto pa ni Yeng, bumawi.naman daw si Ryan: ” Binilhan nya uli ako ng kape sa Starbucks.”

Ayon naman kay Amy Perez, at least daw ay nagkatoon ng closure sina Yeng at Ryan.

Komento ng netizens: “OMG si Ryan Bang pala ang Chinito sa kanta ni Yeng. Ryan Bang pala ang TOTGA ni Yeng 12 yrs ago.”

“I think hindi po. Hehe. Ang pagkakatanda ko po kasi ay iba yung nagsulat ng Chinito. Pero may kanta si Yeng na B.A.B.A.Y, nasa YouTube. Mas accurate po ‘yon.”

Sa video clip pa rin ay sinabi ni Yeng na malinaw na sa kanilang dalawa ni Ryan ngayon ang lahat.

“At least, ito, may closure na tayo,” sabi ni Yeng kay Ryan.

Sagot naman ni Ryan: “Sinasabi ko naman sa lahat na ikaw yung first crush ko.”

Inamin naman ni Yeng na ang awiting “Babay” ay hango sa karanasan niya kay Ryan na bigla na lang nawala.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read