NI BETH GELENA
INIISYU ng isang netizen kay Janine Gutierrez ang paggamit sa GMA7 sa pagpo-promote ng movie nila ni Paulo Avelino na “Ngayon Kaya.”
Nabanggit kasi ni Janine na ang character niya sa “Encantadia” bilang si Amihan ay napunta kay Kylie Padilla.
Say ng rumored girlfriend ni Paulo: “No disrespect! I was asked about meant-to-be moments in my career and I just talked about this character named Amihan rin, waaa the one meant for me pala. Super agree na good thing si Kylie ‘yung naging Amihan sa Enca, super bagay & galing niya niya, lalo na action pa. Deserve.”
Reaction naman ng isang netizen: “Wayp ni earth. Accla @janinegutierrez, ano yan? Kada may show ka o ganap laging dawit GMA sa presscon mo para umingay? Hahaha move on kana ante. Sa ngalan ng brilyante sa tubig sana hindi mag-flop movie mo gaya ng MMMY series mo. Char.”
Sari-sari naman ang reactions ng ibang netizens.
“Flop queen nga sya.”
“Ay heto na naman ang mga magagaling… So masaya ka”
“At least may Urian”
“Di baleng flop queen kaya sunod sunod ang projects dahil flop queen di ba”
“Maraming flop queen sa pinanggalingan nya FYI”
“May critically-acclaimed body of work at magandang filmography mas importante yun”
Mukhang wala namang appreciation sa award rites ang netizen na ito: “Anhin mo Urian kung walang audience? or star power? Johnny Depp ei walang oscars pero he is the Johnny Depp”
“Sa palagay mo bibigyan ng projects yan kung di kumita ang shows nya”
Matagal na rin naman ang katanungang ito: “Bakit kaya sya lumipat eh big star sya ng gma at kahanay nila Marian at Jen yan sa gma?”
“Teh kahit si Lotlot di maniniwala sa statement mo”
“Kung ako lilipat din… Sa abs may movies, may streaming, may cable channel (mapapanuod mo ulet mga pelikula at tv shows mo sa gma wala), maganda casting (sa gma halos bida at kontrabida lang nagsasalita walang backstory sa ibang characters)”
Ayon naman sa isang ito: “Hindi ni renew ng GMA ang contract nya, malamang dahil dun sa tweet nya about sa isang senador na may project at matagal ng nasa GMA.”
“Hintay lang kayo at magulat na lang sa resulta dahil may kasabihan ang ibinababa ay itinataas.”
“She’s not a starlet. She’s an actor. A thespian. Know the difference”
“Mas sumikat sya ngayon at nagkaroon ng class.”
“Magaling na actress c janine. Galing nya umarte sa MMMY. Super kilig ang tandem nila ni paolo.”