Latest News

PAGBABATI NINA MATTEO, MOMMY DIVINE INAABANGAN

Ni BETH GELENA

SA socmed ni Matteo Guidicelli ay pinasalamatan niya ang kanyang pamilya at ang misis na si Sarah Geronimo dahil sila ang nag-prepare ng kanyang birthday celebration.

May photo na pinost si Matteo na nakasakay sila ni Sarah na kabayo na tila nagho-horseback riding.

Sa larawan ay naka-maong at T-shirt lang si Sarah kaya may pruwebang hindi pa siya buntis.

Comment tuloy ng netizens: “enjoy enjoy lang muna silang dalawa as a married couple kasi pag may mga anak na nakafocus na sa mga anak nila. madalang na ang magsolo sila.”

“The husband is more into spotlight than his wife lowkey lang kasi talaga si girl eversince.”

Isang intrigera naman ang nag-comment ng: “Out of the picture yung family ni sarah??”

“Sweet. I’m sure kung di kay Mateo di mae-experience ni Sarah ang mga ganyang adventures like horseback riding.”

“Private life lang kasi si Sarah for sure naka experience na yan si Sarah ng horseback riding before.”

“Hindi mukhang artista si Sarah pag hindi dolled up.”

Last Saturday, habang nanonood ako ng “Masked Philippines” hosted by Billy Crawdord.sa TV5 isa sa mga hurado si Matteo along with Bayani Agbayani, Aga Muhlach, Cristine Reyes and Kim Molina.

May portion na nagkakatuwaan ang tatlong guys kung saan na-mention ni Bayani si Mommy Divine, ang ina ni Sarah.

Say ni Bayani: “Magkakabati na sila ni Mommy Divine.”

Ngumiti lang si Matteo, pero hindi siya nag-react.

Mukhang totoo nga yata ang nabasa namin sa isang article na last week na ang tsika, lumalambot na raw ang puso ni Mommy Divine sa mag-asawa.

Baka nga raw magkaayos na sila.

Hmmm… Teka lang, saan kaya kuha ang photos nina Sarah at Matteo.

Nasa isang farm kasi ang dalawa na parang feeling namin, farm nina Sarah at ng family nito na nasa Tanay, Rizal.

Ang caption ni Matteo sa picture nila ni Sarah: “Every year gets better and better! Thank you to my loving wife and my family for all the love anyone could WISH for!”

“And big thank you to everyone for all the birthday greetings!! Really appreciate it!!”

May komento rin na napaisip kami: “Out of the picture yung family ni sarah??”

“Eh ano pa nga ba ayaw naman nila sumali sa picture”

What do you think, my dear readers, magkabati na nga kaya sina Matteo at Mommy Divine?

Tags: ,

You May Also Like

Most Read