Latest News

PAGBABALIK NI WILLIE REVILLAME SA GMA7 ‘FAKE NEWS’

Ni BETH GELENA

NAGSALITA na si “Wowowin” host Willie Revillame tungkol sa lumabas sa bilyonaryobusiness.com na gusto niyang ibalik ang kanyang programa sa GMA7.

Wala raw katotohanan na nagsisisi siya sa agarang pag-alis sa Kapuso Network dahil lilipat siya sa Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBS), ang istasyon ni Manny Villar.

Sinabi ni Kuya Wil noong Lunes sa kanyang show na “Wowowin” livestreaming: “Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin ‘yan, naku, mahirap na lang magsalita.”

“Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan.”

Giit pa ng TV host: “Saka huwag niyo ako isusulat sa bilyonaryo, hindi ako bilyonaryo, hindi ako businessman na bilyonaryo, simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay.”

“Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?”

Sabagay, nu’ng mabalitang nangangalap ng talent si Kuya Wil para sa AMBS, itinanggi rin niya ito at sinabing fake news ito.

Sinabi niya mismo sa last airing ng “Wowowin” sa GMA7 na paano raw siya makakalipat at kukuha pa ng ibang mga talent samantalang wala pa naman daw transmitter studio ang AMBS.

Alam niyang marami pang dapat ayusin bago magkaroon ng isang network.

Tags:

You May Also Like

Most Read