Ni BETH GELENA
VERY grateful ang mister ni Toni Gonzaga na si direk Paul Soriano sa next President ng bansa na si Ferdinand “Bongbong” Marcos III.
Sa larawang ibinahagi ng direktor kasama si Toni, kaharap nila si Presidential-elect BBM.
Sinulatan niya ito ng caption na: “Thank you to our President @bongbongmarcos for your generous and kind words. Grateful and honored!!!”
Siyempre pa nakatikim na naman ng hanash mula sa kanilang bashers ang mag-asawa.
“Nag BOLAHAN pa kayo feeling First Lady si Toni”
“TH and social climber type rin pala si Paul. Yung atat sa Marcos for the name kahit hindi naman direct blood relations. Kaloka!”
“No wonder magkasundo sila ni Toni. Same feathers pala all along.”
“Pag inggit pikit pinks.”
Sadyang ang hihilig kumain ng ampalaya ang bashers.
“Alam na sino magdidirect sa mga SONA. At sino ang new Queen of Talk Shows.”
Pabor naman kay Toni ang komento ng isang netizen: “15 M views yung video na un. Hindi madeny na humatak din talaga. I think the more we put Toni down, it makes her even work harder to prove her detractors wrong.”
“Remain humble and it will lead you to success. Wag manira para iangat ang sarili… dasurv!”
Mapanghusga naman ang komento ng isang ito kay Toni: “Sa mga naghahanap ng loyalty kay Toni, bago palang sya sa showbiz, pinakita na nyang alam nya ang worth nya at duon sya sa kung saan sya mas makikinabang
Kaya nga lumipat sya sa ABS. Ngayong wala na ang ABS, dito naman sya sa pulitika kay BBM kay wala naman mahihita na masyado sa ABS.”
“Daming bitter nagpasalamat lang dami nang kuda.”