NI BETH GELENA
MAY nakakita na magkasama sina James.Reid at ang partner niya sana sa teleseryeng “The Soulmate” ang isa sa member ng Momoland Kpop girls na si Nancy McDonnie.
Viral ang kuhang photos ng dalawang celebrity sa LA.
Very sweet ang dalawa sa ilang clips ng video na naka-upload kung saan nasa isang resto sila kumakain kasama ang ilang mga kaibigan.
Magkatabi sina James at Nancy at may pagkakataon pa umanong himihilig si Nancy sa balikat ni James.
Espekulasyon ng netizens mukhang may something na daw ang dalawa.
May nabubuo na nga kayang relasyon sa pagitan nina James at Nancy?
Matatandaang naudlot ang pagtatambal nina Names at Nancy sa.teleseryeng “The Soulmate” pero hindi raw yun naging dahilan para maputol ang kanilang communication.
Dinelete na umano ng uploader ang nasabing video.
Kaya ang hinala ng fans, aside sa in-upload na kumakain ang dalawa may isa pa rin daw video na magkasama
magkasama sila sa isang amusement park.
May haka-haka na it is either matutuloy na ang kanilang proyekto under ABS-CBN o may relasyon na sila.
Ang nag-upload ng video clips nina James at Nancy ay isang Ivan Dorshner na ni-repost sa TikTok, ayon sa mga netizens.
Pero sa Instagram story ni Ivan, dinelete na raw niya ang nasabing video.
Comment ng isang TikTok user: “Deleted na raw IG Story ni Ivan marse? Mukhang may nagpa-delete”
Ayon sa ilan pang komento:
“Ang dami nating nakangiti ngayon at kinikilig”, “I feel talaga na may something si James at Nancy.”
“Happy to see them hangout together with friends”,
“sa mga di nakaka alam pwede na po yung momoland members mag date noon pa, leader nila ilang years na ngang may bf ei.”
Kung totoo man na something between James and Nancy, wala namang masama dahil James is very much still dahil hiwalay na sila ni Nadine Lustre.
Ewan lang si Nancy kung may naiwang boyfriend sa South Korea.