Naglaro lang sa SEA Games, pagbalik… ALYSSA KIEFER HIWALAY NA AFTER 6 YEARS

NI BETH GELENA

NAGHIWALAY na dalawang sports celebrity na si volleyball superstar Alyssa Valdez at basketball player Kiefer Ravena.

Mismong ang management ni Alyssa na VMG Asia ang nagbigay ng statement sa hiwalayan ng dalawa at iginiit na wala raw third party involved sa kanilang breakup.


Hindi ito ang unang beses na nagkahiwalay ang sports celebrity couple, pero muli silang nagkaayos.

Since then, nasa six years na ang kanilang relasyon at ngayon ay muli na naman silang naghiwalay.


Ayaw magsalita si Alyssa kung bakit sila nagkahiwalay ng PBA basketball player.

All she said was irespeto na lang daw ang kanyang desisyon to “keep things private” and to avoid “making up stories” and “spreading false rumors” regarding their breakup.


Ayon pa sa management ni Alyssa, may time rin daw na malalaman ng mga tagahanga ng volleyball superstar ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa.

Si Alyssa ay isa sa PBB housemate na.pumasok sa PBB Celebrity Season 11 Komunity.

Nasa ranking 2 siya, pero hindi na bumalik para tapusin ang reality show dahil representative siya sa nakaraang 2022 South East Asian Games para volleyball gayundin si Kiefer para naman sa basketball na ginanap sa Vietnam.

Parehong hindi pinalad na makapag-uwi ng ginto ang dalawang koponan.

Sa pagbabalik nila, ang pasalubong nila ay ang balitang break na sila.

Tags: Alyssa Valdez

You May Also Like

Most Read