Latest News

NAGKAMALING CLOSING SPIELS NG GMA NEWS ANCHORS IPINALIWANAG

NI BETH GELENA

TRENDING sa social media.ang closing spiels ng hosts ng GMA News program na sina Jessica Soho, Mike Enriquez at Mel Tiangco.

Nagsalita na si Jessica ng kanyang closing spiels which is ang kanilang slogan na: “Patuloy po ninyong maaasahan ang GMA News and Public Affairs sa paghahatid ng serbisyong totoo na walang kinikilingan.”

Na susundan dapat ni Mel ng: “Walang kasinungalingan.”

Pero ang nabanggit daw agad ng newscaster ay: “…at walang pinoprotektahan.”

Na-miss daw kasi ang dapat na naunang “walang kasinungalingan.”

Habang nagii-spiel pa si Mel narinig ni Mike ang “at” pero agad niyang na-realize na hindi pa niya turn kaya pinatapos muna niyang magsalita si Mel.

Nu’ng si Mike na ang nag-proceed ng kanyang standard lines kung saan nag-umpisa uli siya sa “at” na -address sa Kapuso viewers.

Humingi rin siya ng sorry kay Mel dahil na-interrupt niya ito.

Napuna ng netizens na hindi nabanggit ni Mel ang phrase na “walang kasinungalingan.”

May paliwanag naman ang GMA-7 sa isyung ito.

“What happened was a production glitch, which happens to most live shows. It’s not Ms. Mel Tiangco’s fault. GMA remains committed to our mantra walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan.”

Kamakailan lang din sa “24 Oras” noong May 9, nai-report naman ni Enriquez na ang kasama ng vice presidentiable na si Senator Kiko Pangilinan ay ang misis nitong si “Helen Gamboa” instead na si Megastar na si Sharon Cuneta.

Hmmm… Mukhang nagiging mali-mali.na yata ang veteran news anchors ng KapusoNetwork.

Pressured ba sila na “pulling away” sa presidential race si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o nara-rattle lang sila sa sobrang bilis ng bilangan?

Just asking lang po!!!

Tags: ,

You May Also Like

Most Read