Latest News

Nadine wala nang pakialam kay James Reid

Ni Wally Peralta

MALAKING factor sa pagsikat nina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang loveteam.

Dagdag pa rito na naging sila sa tunay na buhay.

Pero ngayon tila kabaligtaran na ang nangyayari.

Kung dati-rati ay sunud-sunuran si Nadine kay James at lagi itong nakabuntot noon sa dating boyfriend, iba na ang nangyayari ngayon.

Tuluyan nang initsapwera ni Nadine ang ex-BF.

Malaman kasi ang sagot ni Nadine sa interview sa kanya sa promo ng kanyang bagong movie “Greed,” na nag-start i-stream last March 16 sa Vivamax Plus.

Role ni Nadine as Kichi na isang typical “dalagang Pilipina” who grew up in the province as a sheltered girl. Konserbatibo ang kanyang mga magulang to the point pati lovelife ni Kichi ay pinanghihimasukan ng mga ito.

Natanong ang aktres kung ano ang plano niya sa kanyang showbiz career ngayong nagbabalik-pelikula na siya.

“Definitely, I can finally say na tuluy-tuloy na ‘to. Of course, gusto ko na talagang bumalik sa acting scene. This is really something that I enjoyed doing. I’m really happy because this time around, everyone is really tying to make an effort into changing the genres and the stories that are being given to me,” sagot ni Nadine.

Kung dati-rati ay kasama ang pangalan ni James sa showbiz career niya, ngayon never na niya nababanggit si James sa kanyang showbiz plans.

Tags:

You May Also Like

Most Read