Ni Beth Gelena
HINDI binigo ni Nadine Lustre ang pangakong sasama sa mga Kakampink sa Pampanga rally noong April 9.
Agad nag-viral ang video sa pagsulpot ni Nadine sa campaign site.
Nagpost kasi ang aktres ng isang art card sa kanyang Twitter account na ipinaalam na dadalo siya sa grand rally ni VP Leni Robredo sa Pampanga dubbed “Manalakaran” rally.
Nag-post ang netizens sa pagdating ni Nadine sa rally na nakasuot ng signature niyang white OOTD.
First time na um-attend ng Kakampinks rally si Nadine, pero simula pa noon ay vocal siya ng pagsuporta kay VP Leni.
Si former House Speaker Jose De Venecia at ang misis nitong si Manay Gina ang nag-endorso kay VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.