NI BETH GELENA
INALMAHAN ni Nadine Lustre ang pahayag ng isang “Rendon Labador” ang mga posts laban sa kanya.
Hindi pinalampas ng aktres ang mga komento ni Labador matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview niya.
Isang Twitter user ang nagbahagi ng screenshot ng komento ni Rendon kung saan kinukuwestiyon nito ang pagpapakilala ni Rendon na isa siyang motivational speaker gayong tila na nagbabantang manakit .
Isang simpleng grim face emoji ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon.
Sinagot naman ni Rendon ang tweet ng aktres, na sana ay huwag daw magalit si Nadine dahil sinabi lang umano niya ang napansin nito kay Nadine.
Ani Rendon: “Nadine Lustre Huwag kang masaktan sa #SampalNgKatotohanan sinabi ko lang yung napansin ko sayo, gusto ko lang mag improve ka #StayMotivated”
Hiwalay na sina James Reid at Nadine noon pang January 2020.
Say ni Nadine, bukas naman siya na makatrabahong muli ang ex-boyfriend niya, ito ay kung maganda naman umano ang project lalo at hindi naman sila magkaaway ng dating nobyo.
Wala na raw talagang posibilidad na magkabalikan sila ni James kaya dapat umano ang mga fans nila ay mag-move on na rin.
Dagdag pa n sexy actress, panahon na para makapagsimula sila ng bagong chapter sa kanilang mga buhay.