NI BETH GALENA
HINDI na nakatiis si Alex Gonzaga at ipagtanggol ang elder sister na si Toni Gonzaga.
Ramdam niya ang pinagdadaanan ng kapatid dahil below the belt na ang pambabash ng netizens.
Pero bilib siya sa kapatid dahil naha-handle pa raw ni Toni ang lahat-lahat.
“Knowing my sister, I know she’s a strong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord doon nang hindi siya ready. So, my sister was bashed even before nung bata pa. She was bullied pre-school pa lang as in hanggang sa pag-aartista niya,” sey ni Alex sa vlog ni Karen Davila.
Dagdag pa ng TV host-actress-vlogger: “During that time, I think she was so equipped and so ready for that and I think that the Lord will not give that to me because I think my sister is stronger, more independent.”
Matatandaang nakatikim si Toni ng sobrang panlalait sa netizens nang ipakilala niya si Congressman Rodante Marcoleta, ang isa sa pumirma ng “No” para huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
‘Yun daw ang pinagmulan kung bakit nakatanggap ng masasakit na salita si Toni.
Pero, bumilib si Alex sa kapatid dshil kinaya raw nitong harapin ang mga dumating na unos sa.buhay nito.
“Matapang talaga ang ate ko as a person. Kaya nga sabi ko, siguro talagang ano siya, she was really born for this kasi kaya niya. Ako, baka ‘di ko kaya pero ang ate ko kayang-kaya niya talaga,” say ni Alex.
Sinabi rin ni Alex na ang bashing would be around even without the elections.
“Dito sa mundo na ‘to you’ll always have bashing, you’ll always have negative thoughts na kapag magkakaroon ka na ng spiraling negativity na parang I don’t deserve this parang bigla mong mare-realize na, hindi si Jesus nagsasalita nang ganoon, kaaway ‘to, I have to stop.
“So, mayroon akong awareness sa mga bagay na alam mo ‘yung truth… This is not how my Savior sees me so hindi totoo ‘to,” ayon pa kay Alex.