Latest News

MOVIE NINA LOVI POE,CARLO AQUINO, GAGAWING SERYE

Ni Wally Peralta

MARAMI sa supporters nina Carlo Aquino at Lovi Poe ang nag-aabang kung kailan nila mapapanood ang pelikulang ginawa na may titulong “Seasons.”

Matagal na kasi nilang natapos ang naturang movie na umabot nang mahigit tatlong oras ang haba ng pelikula.

Dahil sa haba ng pelikula, may mga nag-suggest na sana ay gawin na lang itong series, na kinokonsidera ngayon ng producer.

“Remember when Carlo and I shot ‘Seasons’? We just watched it and I’m feeling extra kilig and excited ‘cause our editors and artistic team are contemplating if we should make the film into a limited series. How cool is that??!” say ni Lovi.

Maging si Carlo, agree din sa ideya na gawin na lang limited series ang movie nila ni Lovi.

“Waaait! Series??!!! Woooop!! Puwede yaan,” komento naman ni Carlo.

Pagdating naman sa pagiging co-actor ni Carlo kay Lovi, puro positibo ang naging tugon ni Lovi.

“Carlo is a very giving actor. I think you’ll really know na magaling ang isang artista because he knows when it’s your moment ang isang eksena.

“What was really nice was that he made me feel comfortable, although deep inside, I was really dying dahil nasa-starstruck ako sa kanya.

“Ang sarap katrabaho at ka-eksena ni Carlo. Hindi ko na kailangan i-motivate ang sarili ko,” sagot ng sexy Kapamilya actress.

Tags:

You May Also Like

Most Read