NI BETH GELENA
NAGSALITA na si Moira dela Torre. kaugnay sa mga espekulasyon na siya ang cheater.
Aniya: “I have never cheated on Jason.”
Nang hindi kasi nagsasalita ang hugot singer after mag-confess si Jason Hernandez na naging unfaithful siya kay Moira pawang negative comments na against Jason ang nababasa sa mga news.
Pero, may lumabas na nag-cheat din umano si Moira sa kanyang mister.
Kaya agad pinabulaanan ng singer ang espekulasyon tungkol dito.
Sinabi si Moita na napakahalaga ng wedding vow sa kanya at never siyang nag-cheat sa asawa.
Kahit hindi na raw sila magkasama ni Jason, nasasaktan siyang nakakabasa ng mga gawa-gawang kwento na malayo raw sa katotohanan.
Nadawit pa ang kapwa niya mang-aawit na si Zack Tabudlo na ito raw ang dahilan ng break-up nila ni Jason.
Kinuha lang daw niya ang pagkakataon na mag-confess si Jason na siya ay naging unfaithful sa kanya para si Jason daw ang masisi kung bakit sila nagkahiwalay ng mister.
Paliwanag ni Moira: “In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.”
Mariin niyang pinabulaanan ang mga lumabas na kwento.
“This has not been easy on either of us and our families. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and i. Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us- most of which are so far from the truth.”
Anyway, may mga tagahanga nina Moira at Jason ay naghahangad na sana ay muling magkasundo ang dalawa.
Ikinasal ang celebrity couple noong January 14, 2019.
Last April ay lumabas na ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa.
Pero sa pamamagitan ng isang tweet, itinanggi ito ni Jason.
Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.
Maigsi pa lang ang tatlong taong pagsasama nila as husband and wife at natural sa mag-asawa na dumadaan sa matinding pagsubok.
Pareho silang God-fearing kaya we hope na malampasan nila ang matinding pagsubok na ito sa buhay nila bilang mag-asawa.