Ni Beth Gelena
LAST Friday evening, ang former appointee ni DU30 na si Mocha Uson ay si Manila Mayor Isko Moreno naman ang sinusuportahan bilang presidente sa May 9 elections.
In-endorso ni Mocha si Yorme for president sa Halalan 2022 kung saan siya naman ay nominee sa congressional seat ng Mocha o Mothers for Change Party-list.
Kasama siya ni Yorme sa campaign stop na ginanap sa Kawit, Cavite.
Sabi ni Mocha, kaya raw niya nagustuhan si Yorme dahil siya raw ang “young Duterte” na may passion for service to the country.
Sa livestreaming ng programa ni Willie Revillame na “Wowowin” sa Cebu City Sports Center noong Biyernes dinbng Gabi ay guest Niya si vice presidenti bet Sara Duterte.
Hinata ni Kuya Wil si Sara ng famous song niyang “Ikaw na Nga” at tinawag pa niya itong “ilaw ng tahanan ng lahat.”
Bilbil ni Cristine Reyes pinagpiyestahan ng netizens
Ni Beth Gelena
Punang- puna ng mga Marites na netizen sa selfie photo ni Cristine Reyes ang pag-gain ng timbang ng sexy actress.
Pero kahit medyo nadagdagan ang kanyang timbang beauty pa rin ang aktres.
Medyo umambok ang pisngi ni AA (her pen name) kaya naman kitang-kita ang dimples niya kapag naka-smile.
At sa mga Marites, hindi ang ganda ng aktres ang napuna kundi ang nagsusumigaw na bilbil daw nito.
“Ang Ganda padin nya. Hindi ko napansin yung tummy”
“Keri lang kung ganyan ka naman kasi kaganda.”
“So pag di kasing ganda nya hindi na acceptable magkabilbil? So much for body positivity”
“mas bagay sa kanya medyo malaman”
“Bagay sa kanya kasi cute sya kapag medyo malaman ang pisngi bagay sa dimples. She looks fresh.”
“Grabe isa sa pinaka maganda sa showbiz. Effortless. Lakas din ng appeal.”
“Alam mo naman, maraming manlalait na netizens. Unahan na dapat”
“Agree, she is beautiful even if she has excess weight or not. Importante healthy and happy and di laging dapat perfect looking in life.”
“Wla nman may problema sa ganyan. Anong pinaglalaban neto? Madami n ring nagpopost ng ganyang love your body ekek.”