NI BETH GELENA
NATUWA ang fans ni Angel Locsin dahil at last daw, nagparamdam na ang aktres sa social media.
Ilang buwan din kasi na walang paramdam ang aktres after nilang mag-first wedding anniversary ng asawang si Neil Arce.
Sa Facebook account ni Angel, umani ng reaksyon ang mga ito nang makita ang posted photo ng aktres.
Wedding photos nina Angel at Neil ang ipinost sa Facebook ng aktres.
Makikita sa post ang Team Angel PH, na ayon sa netizens ay nangangahulugang admin ng page ang nag-post.
Gayunman, patunay pa rin ito na hindi totoo ang balitang hiwalay na ang mag-asawa na usap-usapan kasi sa social media ngayon.
Kaya umani ng reaksyon at komento ang post ng aktres na may caption ang wedding pictures ng celebrity couple na: “Together, forever.”
“Yes finally nagparamdam kana po miss Angel Locsin. Stay safe po kayo palagi. Godbless Idol.”
“Angel naiyak ako nakita ko yung wedding mo.We miss you so much idol. Yan yong araw na walang mapaglagyan ng saya Ang bawat Isa…congrats.”
Ang mister naman ni Angel na si Neil Arce ang mismong nagpahayag na “fake news” sinasabing hiwalay na sila.














