NI BETH GELENA
SINA Miles Ocampo at Elijah Canlas naman ngayon ang pinag-uusapan na rumored celebrity couple.
Tuwiran na raw kasing nilalantad ng dalawa ang kanilang relasyon.
Sa Instagram post ni Miles ay “my favorite person in the world” ang patungkol niya sa young actor na si Elijah.
Sagot daw ito ni Miles noong batiin siya ng simpleng happy birthday ni Elijah.
“Happy birthday, my Camille (real name ng actress),” bato daw sa kanyang ni Elijah.
Matagal na showbiz si Miles at ngayon lang may na-link na guy sa kanya.
“Here’s to more adventures and memories,” ang caption naman 21-years old na si Elijah sa pinost niyang larawan at video nila ni Miles na magkasama.
Ibinahagi naman ng “Eat Bulaga” co host ang isang black and white na imahe ng babae’t lalaki na magkayakap.
“About to be the best year yet,” komento ng young actor with an Earth emoji.
Espekulasyon ng netizens ay officially in a relationship na sila.
Wala pa namang pag-amin mula kina Miles at Elijah.
Ang rumored celebrity couple ay nagkasama sa “Paano ang Pangako?” noong 2020.
Heto naman ang komento ng netizen:
“Opo sila na….parehong matino kaya bagay sila”
“Mabuti naman at nagkabf si Miles nang matino.”
“Makakapagfocus na ako sa work at makakatulog na ako ng maayos.”
Intrigera naman ang komento ng isa: “Hindi din sumikat sikat si girl no?”
“Omg paano na ang Elikoy mukhang wala na ngang interesado sa BL series nilang Gameboys kaya sobrang baba ng views tapos ganyan pa.”
“Galing ni Elijah at cute Si Miles. Perfect pair!”
“Known ko sya via netflix Ca and US. Yung indie movie nya na “Kalel, 15” ay ilang weeks din nasa new releases ng netflix. Indie yun movie pero magaling sya doon. I’m not sure pero baka nanalo sya doon as best actor.”
“Elijah is a Gawad Urian Best Actor at 17, at meron din siyang international best actor award sa edad niya na yan! Award winner lang naman siya!”
“In fair!! cute si elijah and very good actor rin! i approve of this couple, kahit di naman required ng approval ko lols”