Latest News

MIKAEL, MEGAN READY NA MAGKA-BABY

NI WALLY PERALTA

ILANG taon na rin naman kasal ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young at pareho nilang choice na huwag muna magkaanak para maramdaman nilang mag-asawa ang happy moments na silang dalawa ang magkasama.


Pero nagbago ang ihip ng hangin dahil sinabi ng mag-asawa na ready na silang magkaroong ng baby at bumuo ng sariling pamilya.

“Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat,” saad ni Mikael.

Ano naman kaya ang nag-udyok sa mag-asawa na magkaroon na sila ng anak?



“I’m not sure nga, e. Feeling ko parang biglaan na lang ’yon, eh.
“Dati sinasabi ko, wala, hindi, not yet. Pero now, maybe. Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat. Don’t worry. Pati ako magugulat, promise. Hahaha!” say pa ni Mikael.

Sa kasalukuyan ay sa Subic nakatira ang celebrity couple, at sakaling magka-baby na sila ay balik-Manila na ba ulit sila?


“Ngayon kampante kami na, ‘Okay, Subic really is our home’.

“Alam mo naman kami ni Megan, byahe here, byahe there, byahe everywhere. I’d like to call Subic our main home pero it will take some time. Marami pa ring kailangang gawin sa bahay. Luma ’yong bahay, e. So unti-unti,” sagot ni Mikael.



Tags: Mikael Daez at Megan Young

You May Also Like