Latest News

MICHELLE DEE TARGET ANG MISS U PH TITLE

NI WALTER PERALTA

SA dami ng nilatag na mga bagong proyektong gagawin ng Kapuso Network para sa first half ng 2022, kapuna-puna na hindi kasali ang pangalan ng PMPC Star Award Best New Actress na si Michelle Dee.

Applauded ang mini-serye ni Michelle na ‘Agimat Ng Agila’ dahil siya ang babaeng kontrabida.


Pero may bulung-bulungan din na naghahanda si Michelle na muling sumabak sa beauty pageant via Miss Universe Philippines.

Todo-workshop din si Michelle kaya inilagay muna niya sa back seat ang pag-arte para karirin na makuha ang Miss Universe Philippines title.

Si Michelle ang nag-represent sa Pilipinas sa Miss World noong 2019 kung saan napasama siya sa Top 12 finalists.

Natapos na niya ang kanyang reign at naipasa na niya ang Miss World Philippines crown kay Tracy Maureen Perez last year.


Sa picture na ipinost ni Michelle habang nag-eexercise ay may caption ito na: “If looks could kill, you dead” with #DEEpataposanglaban.”

Well, mukhang may unfinished business talaga ang former Miss World-Philippines — ang title na Miss Universe.

Kaya need niya mag-focus sa pagwo-workshop and training dahil maraming magaganda at qualified na Miss Universe Philippines aspirants ngayon base sa mga post ng kanilang supporters sa social media.

But then, may malaking chance si Michelle lalo pa na may background na siya sa isang international beauty pageant.


Tags:

You May Also Like

Most Read