NI WALLY PERALTA
MATINDI ang naging sakripisyo ni Michelle Dee para lang masungkit ang titulong Miss Universe Philippines na idinaos kamakailan lang, kung saan ang kandidata mula sa Pasay City na si Celeste Cortesi ang nakakuha ng title bilang Miss Universe Philippines.
Simula pa lamang ng taon ay nag-start nang mag-training at mag-workshop si Michelle, to the point na maglie-low siya sa showbiz career niya para mag-focus sa kanyang pagsasanay.
Sa awards night, si Michelle at si Celeste ang last two woman standing na inabot pa halos ng isang minuto na nakatayo bago pa man i-anunsyo ang winner.
At sa huli, si Celeste ang nanalo samantalang naging Miss Universe Philippine Tourism naman ang titulo na napunta kay Michelle.
Game na game naman na tinanggap ni Michelle ang kanyang pagkatalo kahit pa sabihin na matindi ang paghahangad niyang sa kanya mapunta ang korona.
At para ipakita ang kanyang suporta sa winner, nag-post si Michelle sa kanyang socmed account ng congratulatory quote kay Celeste kung saan ay nakakabit ito sa isang larawan na nakatayo at hawak=kamay sila habang hinihintay ang announcement ng winner.
“I have always believed that everything in life happens for a reason. As @celeste_cortesi and I gave our all to win the crown, in the end we always knew only one of us would win.
“No one can take her destiny away from her because she is queen well-deserved and a true friend for that matter as well. Glad to have shared this moment with you just like we manifested,” say ni Michelle.