Latest News

MAYORA GEM CASTILLO: THAT’S ENTERTAINMENT’S CINDERELLA

NI BETH GELENA

DALA ang pangarap na maging artista, lakas-loob na nag-audition noon sa teen show ng yumaong German Moreno na “That’s Entertainemt” si Gem Castillo, popularly known today as “Mayora Gem Castillo” dahil siya ang first lady ng San Pablo City under the leadership of her husband Mayor Vicente Amante.

Salat man sa pinansyal noon, tinawid ni Gem ang kanyang pangarap ma puhunan ang ganda, talent at pangarap na mag-artista.


Paunti-unti ay nararating ni Gem ang pangarap na sumikat at makilalang aktres pero “tinalo” ng pag-ibig ang kanyang budding career.

Ngayon, isa na siyang hands-on-mother, negosyante, at first lady ng San Pablo City.


Kahit naman noong nagsisimula palang sa showbiz ang former “That’s” ay sadya na siyang matulungin at maawain lalo na doon sa mga nakikita niyang kababayan na mahirap.

Saksi kami na kahit kakarampot palang ang kanyang kinikita, nagagawa pa rin niyang i-share ang nakukuhang blessings sa iba.


Kaya nga blessed ang former actress-singer dahil mas marami na siyang mahihirap na taos-puso na niyang natutulungan ngayon sa maliit mang paraan.

At ngayon nga, multi-awarded woman na si Gem, hindi man sa pagiging artista kundi sa pagiging philantropist niya o bukas-palad na pagtulong sa mga nangangailangan lalong lalo na sa kanyang mga constituent sa San Pablo City.

Just recently, ginawaran si Mayora Gem ng Diamond Excellence Award dahil kabilang siya sa listahan ng Top 20 Inspiring Woman of the Philippines.

Sa darating naman na November 25, tatanggapin ni Mayora Gem ang HONORARY PHILANTHROPIST OF THE YEAR award mula sa Nation Builders & Mosliv Awards na nakatakdang ganapin sa Okada, Manila.

Kabilang din sa binigyan ng parangal ay sina Cong. Richard Gomez ng Ormoc, Pasig City Mayor Vico Sotto, Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto at Laguna Vice Gov. Karen Agapay.

At dahil mahal ang showbiz, pangilan-ngilan ay dumadalo pa rin si Gem sa mga showbiz related events.

Makikita pa rin sa kanya ang mukha ng gandang artista kahit pa sabihin na nadagdagan na ang kanyang timbang.

Nang matanong ng inyong lingkod si Gem, kung may balak ba siyang mag-produce ng pelikula para makatulong din sa mga kasamahan niya dati sa industriya, aniya: “Timing lang. Kumukuha lang ako ng tiyempo. Lam naman ng lahat na sa industriyang ito ako nakilala at naging daan na makamit kung anuman meron ako ngayon. Nasa dugo ko na po talaga ang pag-aartista.”

Tags: “Mayora Gem Castillo”

You May Also Like

Most Read