Latest News

MAYOR VICO ‘NADULAS’ NA IKAKASAL NEXT YEAR

Ni Beth Gelena

SA isang pagpupulong kung saan naroroon si Pasig City Mayor Vico Sotto ay nadulas umano ang alkalde.

Hindi ang pisikal na nasaktan kundi nadulas siya nang may nagsalita sa audience kung bakit single pa raw ang alkalde. At kung kelan daw ba siya mag-aasawa?


Sadyang matalas ang pandinig ni Mayor Vico.

Aniya: “Wag kang ano dyan ate.”

Pero sinagot niya rin ang naulinigang tanong ng kanyang constituents.

“Next year,” sambit ng alkalde ng Pasig City,


Ang tanong, sino naman kaya ang masuwerteng babae ang mapapangasawa ng butihing alkalde.

Sa aming pagkakaalam ang huling na-link kay Mayor Vico ay si Gretchen Ho.

Nakunan pa nga sila ng larawan nang manood ng game, forgot lang po ng inyong lingkod kung volleyball o basketball ang pinanood ng dalawa.

Napag-usapan din nina Ogie Diaz at Mama Loi sina Mayor Vico at Gretchen sa kanilang Showbiz Update YouTube Channel.


Sabi ng dalawang hosts, hindi naman daw naputol ang komunikasyon ng butihing mayor at ng sports newscaster.

Katunayan, napagkikita nga raw itong si Gretchen sa opisina ng Pasig mayor,

At hindi lang daw isa, ha, kundi makailang beses na, huh!!!

So, ang tanong, si Gretchen na kaya ang masuwerteng babae sa puso ni Mayor Vico.

Siyempre, if next year nga ay mag-aasawa na si Vico, mas matutuwa sa balitang ito ang kanyang mga magulang na sina Coney Reyes at Bossing Vic Sotto.

Aba, mukhang si Mayor Vico na lang ang walang partner in life sa lahat ng mga anak ni Bossing Vic, except Tali siyempre, na anak nina Pauleen Luna at Bossing.

Tags:

You May Also Like

Most Read