Latest News

MAYOR GOMA, REP. LUCY PERSONAL NA TINANGGAP ANG AYUDANG AMBULANSIYA NI GRETCHEN BARRETTO

NI GERRY OCAMPO

ANG latest na pinadalhan ng isang unit ng ambulance ni Gretchen Barretto at ng Pitmaster Foundation ay ang Ormoc City.

Kahit wala si Gretchen sa turnover, siguradong laking-pasalamat ng mag-asawang Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Ang mag-asawa ang personal na tumanggap ng ambulance na anila ay malaking tulong sa Ormoc.

Bukod sa Ormoc, pinadalhan din ni Gretchen ng kanyang love box ayudang bigas ang MOWELFUND.

Kaya naman umuwing masayang-masaya ang lahat ng member ng MOWELFUND sa pagdiriwang ng 48th anniversary sa bigas na padala ni Gretchen at loot bags na naglalaman ng samu’t saring essentials galing sa MOWELFUND.

Nagmistulang araw-araw tuloy ang celebration ng kaarawan ni La Greta dahil halos everyday din ang pamimigay niya ng ayuda.

Pinadalhan niya ng sako-sakong bigas ang 4,021 frontliners ng Makati Medical Center.

Ang magandang reaction ng mga hindi nabigyan, nagpapasalamat din kay Ms Gretchen ng kanyang tulong.

Kaya naman very proud sa kanya ang kapatid na si Claudine Barretto.

Sabi ng mga nabiyayaan ni Miss Gretchen ng ayuda: ”Mas mabuti pa si Miss Gretchen Barretto, nagagawang magpadala ng tulong sa mga nangangailangan kahit hindi kilala.”

Tags:

You May Also Like

Most Read