NI BETH GELENA
HINDI sukat akalain ni Maymay Entrata na ang kanta niyang “Amakabogera” ang magiging daan para ma-recognize siya sa abroad bilang nominado sa Best Asia Act ng 2022 MTV Europe Music Awards (EMA).
Ani Maymay: “‘Yung goal lang namin is mabigyan ng hustisya itong kantang Amakabogera at ma-recognize ako ng mga tao bilang isang music artist. Pero hindi ko akalain na mare-recognize rin po siya sa ibang bansa kaya sobrang blessed talaga.”
“Napakalaking fulfillment ito para sa sarili ko rin bilang isang music artist. Kasi ‘yun naman talaga ang isa sa mga goal ko, ‘yung ma-recognize ako ng mga tao, ng ating mga kapwa Pilipino na ako po ay kumakanta. Still learning pa rin po sa craft ko at siyempre isa sa malaking fulfillment dito sa ating mga OPM artist ay at least hindi lang po nare-recognize ang mga kanta natin dito sa Pilipinas kung hindi pati sa ibang bansa at isa ako sa pinaka-blessed dahil naging parte ako nitong napakalaking achievement na ito,” dagdag pa niya.
Kahilera ng former PBB grand winner sa nominasyon ay ang Indonesia’s NIKI, Thailand’s SILVY, Japan’s The Rampage from Exile Tribe, at South Korea’s Tomorrow x Together.
Tanging si Maymay ang nag-iisang Pinoy nominee ngayong taon sa MTV EMA.
“Sobrang overwhelmed po. Kasi malaki po siya talagang blessing. ‘Yung katotohanan na hindi pa nag-one year ‘yung ‘Amakabogera’ tapos ganito na agad ‘yung naibigay na recognition sa atin ay napakalaking biyaya po talaga para po sa akin. Siguro talaga dala-dala ko ito hanggang sa pagtanda ko. Kasi hindi ba kapag first hindi mo makakalimutan ‘yon tapos MTV EMA pa,” say pa niya.
Handa na ba siyang ma-invade ang international stage?
“Naniniwala ako na kapag pinaghusayan mo at pinag-aralan mo talaga, alam mong ready ka eh, so opo. Isa rin po ‘yon sa magiging dream ko talaga,” ayon sa kanya.
Sinabi ng sa MTV EMA na ang botohan para sa paborito nilang artists to win in their respective categories ay hanggang November 9 lang. Kaya sa fans ni Maymay out there VOTE na.The 2022 awards ceremony will be held in Düsseldorf, Germany on Nov. 13, with live broadcast across 170 countries on MTV channels.














