Latest News

MAYMAY ENTRATA CONFIDENT NA KAPAG KUMAKANTA

NI BETH GELENA

ANG sipag mag-promote ni Maymay Entrata ng kanyang bagong kanta na “Pwede Ba.”


Kamakailan, nasa Wish Bus ang PBB winner para sa promotion ng kanyang bagong kanta.

Say niya sa kanyang social media post patungkol sa kanyang Wish Bus performance: “Ayan po ah, hindi nako nakapikit”

Napapansin kasi ng netizens na kapag kumakanta si Maymay ay pumipikit-pikit daw ito.


This time ay malaki ang nabago sa singer-aktres.

May confidence na siya kapag kumakanta.


Marami sa mga kasamahan sa ASAP na mga mang-aawit ang bumati kay Maymay sa husay niya sa pagkanta.

Matatandaang umani ng milyon-milyong views ang unang pagkanta niya sa Wish Bus ng kanyang hit single na “Amakabogera.”


Tags: Maymay Entrata

You May Also Like