MAY 7 SEXY SCENES SA ‘PUSOY’: BARON GEISLER HINDI NAKATANGGI KAY DIREK BRILLANTE

NI JULIE E. BONIFACIO

UMAMIN si Baron Geisler na nagkaproblema talaga sila ng misis niya na si Jamie Marie Evangelista habang ginagawa niya ang pelikulang “Pusoy” para sa Vivamax.

Mabilis na kumalat ang balitang hiniwalayan si Baron ng kanyang asawa kamakailan.


“Opo, eto po ‘yung film na ‘yun. Pero kung napanood ninyo ‘yung film, kasama po siya, isa siya sa movie. Umekstra po siya sa movie,“ pahayag ni Baron sa private screening and mediacon ng “Pusoy” na mapapanood sa Vivamax simula May 27.

Aware naman daw ang misis ni Baron sa mga love and sexy scenes niya sa “Pusoy.”


“She’s in Turkey right now. Masaya naman ‘yung ginagawa niya doon. Nagva-vacation with her friends. But uh, yes. Soo, uh, next month I’ll be seeing her. We’re okay. We’re good,” paglilinaw ni Baron

Kasabay ng kontrobersya sa hiwalay nila ng misis niya ay may nilabas na hinaing si Baron sa sexy films na binibigay sa kanya for Vivamax. Emote ni Baron, sana raw ay ang mga pelikulang pinapagawa sa kanya ay hindi sexy films.


Kaya natanong siya after ng special screening ng “Pusoy” kungdi na siya tatanggap ng sexy movies.

“Actually, next week may gagawin pa ako na seksi, e. Haha. Parang natuwa po ako. But uhm, I think nag-improve. Kung makikita niyo po ‘di naman nakabulatlat po ‘yung, tastefully done pa rin naman ‘yan. Of course, nandoon po ‘yung tema ng Vivamax pero uhm, tastefully done,” sagot ni Baron.

Ang “Pusoy” ay idinirek ng New York-based director na si Phil Giordano para sa Centerstage producer and international award-winning director na si Brillante Mendoza at ng Viva Films.

Bida rin sa “Pusoy” ang Best Actor sa recent 19th Asian Film Festival sa Rome, Italy na si Vince Rillon along with Angeli Khang, Miss Earth Philippines 2019 Janelle Tee, Kiko Matthos, Felix Rocco at Jela Cuenca.

Kinuwento naman ni Baron kung paano siya napapayag gawin ang love scenes niya sa “Pusoy.”

“Ganito po kasi ‘yan. Tinawagan po ako ni Direk Brillante. ‘Baron, gagawa ka ng pelikula ha. Maganda ‘yung role. Kasama mo si Vince. Kayong dalawa ang bida dito, ha. Ikaw kontrabida.’ ‘Yes, Direk. Sige po,’ ganyan-ganyan. ‘O, may meeting tayo with Boss June Rufino). The next day nag-meeting kami. Uhm, okey, nice. Sabi ni Direk, ‘O, ganito ‘yung mga eksena dito, ha. Hindi ka iinom, ha.’ Tapos biglang, pagdating na doon, ‘Uh, baron, mag-plaster ka na.’

“Ah, ano, may pitong sexy scenes ka dito. So, pinanindigan ko na lang dahil naniniwala ako kay Direk Phil (Giordano). ‘Tsaka kay Direk Brillante, hindi ako maka-hindi. Basta kasi pelikula ni Direk Brillante, uhm, siya ‘yung producer, e talagang, hindi lang pang-Vivamax ‘to. Maaaring pati sa ibang bansa, ‘di ba? Pero naisahan po ako ni Direk Brillante. Kasi, everyday po kasi, wala po kaming script. Nakatago po lahat ‘yan. So, everyday, ‘O, plaster ka na.’ ‘Ha? Direk, akala ko bukas pa ‘yan?’ ‘Hindi, pito ang gagawin mo ngayon. Tuluy-tuloy.’ Mas nakakapagod po actually ‘yung love scenes kesa sa mga barilan tsaka takbuhan. Grabe, nakakapagod po ‘yun. Totoo po ‘yun. Hindi po ako nagbibiro,” kuwento ni Baron.

Ang “Pusoy” ay kuwento ni Popoy (Vince Rillon), isang ambisyoso at batang bodyguard na nagtatrabaho sa isa sa pinaka-notorious na pasugalan na pag-aari ni Rodolfo (Baron Geisler), isang malupit na gambling lord, at mina-manage ni Xandra (Janelle Tee), isa sa mga babae ni Rodolfo. Dahil sa ambisyon ni Popoy, ma-inlove siya kay Mika (Angeli), ang bagong babae ni Rodolfo. Bukod kay Baron Geisler, ang “Pusoy” cast ay puno ng mga young at talented actors and actresses — si Vince Rillon, na gumanap na sa telebisyon at pelikula ni Cannes Best Director Brillante Mendoza na “Captive,” “MaRosa,” “Amo,” at “Resbak.” Kasama din siya sa VIVAMAX original content gaya ng “Siklo,” “Sisid,” “L: The Series” at “Kaliwaan”; Angeli na VIVAMAX K-Krush na gumanap sa chart-topping VIVAMAX originals gaya ng “Taya,” “Mahjong Nights” “Eva,” at “Silip sa Apoy”; dating Miss Earth Philippines 2019 at host ng Wowowin na si Janelle Tee na mapapanood din sa “Putahe.”

Para sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.

Mas affordable, mas marami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

Tags: Baron Geisler

You May Also Like

Most Read