Latest News

MASAYA KAMI NI ALJUR — AJ

NI GERRY OCAMPO

NAKATANIM na sa isip ng mga Marites na kahit anong deny nina AJ Raval at Aljur Abrenica, may namumuong relasyon ang dalawa.

Hindi naniniwala ang publiko sa pahayag na kahit nahuling magkasama ang dalawa isang hotel sa Leyte ay dahil may appointment lang sila doon.

Sa “Ask Me A Question” ni AJ Raval sa kanyang Instagram Stories last February 28 (date ng kaarawan po ng inyong lingkod, hehehe, HBD Gerry — d), inaasahan ng fans na aamin na ang bagong Pantasya ng Bayan sa relasyon nila ng ex-husband ni Kylie Padilla.

Pero, sabi nga ni AJ mas priority niya ang career kaysa pasukin ang isang seryosong relasyon.

Tanong sa kanya ng isang netizen” “Kayo ba ni Aljur Abrenica?”

Sagot ng young sexy star ng: “Eh sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin, Huwag kang mag-alala, pag official na, updated ka.”

Tanong pa uli kay AJ: “Paano n`yo po nagagawang i-handle ang mga bashers, you look good at it po,”

Reply ni AJ: “Nakakatuwa sila, Sobrang funny nila. Hindi ko alam, meron part sa akin na pag nagbabasa ako ng hate comments, natatawa ako, Yung, “Bakit galit na galit kayo sa akin, nakapatay ba ako ng tao? Parang ang OA ninyo.”

Hirit na tanong ng isa pa: “Di ka ba natatakot sa sasabihin ng iba sa`yo?”

Say ni AJ: “HIndi, ba`t ako matatakot, Mas nakakatakot maging sunud-sunuran sa ibang tao, Basta ako, magiging masaya, magiging totoo. Magustuhan ninyo o hindi, magustuhan ninyo, salamat, kung hindi , wala akong paki,”

Huling tanong kay AJ: “Naaapektuhan ka ba sa mga sinasabi ng iba about you?”

Sagot niya: “Well, noong una, naapektuhan ako, Pero wala na, naka-move on na ako ru`n, eh ano pa`ng gagawin ko?

“Wala na akong paki. Masaya ako, gagawin ko yung gusto ko, buhay ko `to.” palabang pahayag ng anak ni Jeric Raval.

Tags:

You May Also Like

Most Read