Latest News

Mark Anthony Fernandez may butt, frontal nudity sa movie

NI GERRY OCAMPO

Pinag-uusapan ng entertainment press ang frontal nudity ni Mark Anthony Fernandez sa pelikulang Scorpion Night 3.


Sa simula pa lang ng movie ay nagpakita ng kanyang private parts si Mark na tila first time niyang ginawa magmula nang siya ay mag-artista

Bukod sa frontal nudity ay marami rin siyang butt exposure at nag-aapoy na love scene sa female lead star ng movie na si Christine Bermas.

Pero pinagtatalunan ng press kung prosthetics ba ang ipinakita ni Mark or kanya talaga dahil nakakagulat na gagawin ng isang Mark Anthony ang ganoong eksena.


Anyway, more than the frontal nudity ay pinahanga at pinabilib ni Mark ang manonood sa ipinamalas niyang galing lalo na ang breakdown scene niya na kung saan nahuli niya ang asawa (Christine) at kalaguyo (Gold Aceron)

Pinalakpakan ng lahat ang ipinamalas na acting ni Mark at opinion ng press na malaki ang posibilidad na manalo ng award ang actor.


Pinuri ng mga nanood ang director at maging ng baguhang sexy star na si Christine Bermas na bukod sa mga daring scene na ginawa kina Mark at Gold ay nagpamalas din ng galing sa acting.

Grabe ang mga eksena ni Christine with Mark at Gold na tinalo pa yata nito ang daring scenes sa ng Scorpion Night 1 and 2.


After ng movie, posibleng maging Pantasya ng Bayan na si Christine Bermas.

Tags: Mark Anthony Fernandez

You May Also Like