NI BETH GELENA
Nag-taping na para sa first episode ng talk show ni Toni Gonzaga sa AllTV titled “Toni.”
Say ng TV host sa kanyang IG account: “Nakabalik na uli sa TV. Maraming salamat @alltvph.”
Si Mariel Padilla ang kanyang first guest.
Nagbigay-pugay naman ang misis ni Senator Robinhood Padilla sa kaibigang TV host.
Ani Mariel: “This is it. Another dream now a reality and I am so so so proud to witness it.You have achieved sooo much but you remain.to be humble, generous and.you do it all in His name. Tribute kasi birthday ngayon ng TONI!!! parang feeling ko kulang yung congratulations hehe such a major milestone.”
“Soo excited to watch you on TV everyday at 5pm doing what to do best telling stories, touching lives and inspiring people @celestinegonzaga TONI 5pm monday-friday @alltvph,” say pa ni Mariel.
Binigyang-kulay naman ng netizens ang pagpupugay na binigay ni Mariel sa kaibigan.
May nakapansin naman na haggard daw ngayon ang TV host samantalang noong nag-opening ang AllTV at fresh pa siya.
May mga naka-miss din sa pagiging TV hosts ng magkaibigan.
“Good people. Bad choices. I miss them being hosts together.”
May nagsasabi namang: “Magkamukha lalo sila ni Ms. D sa ayos ng hair na yan.”
Anyway, sana matapos na ang panlalait sa magkaibigan, lalo na kay Mariel.
Eversince silang nagkasama sa “Pinoy Big Brother” as hosts, nakabuo sila ng friendship with Bianca Gonzalez.














