NI BETH GELENA
MAY bagong teleserye na gagawin si Diamond Star Maricel Soriano sa ABS-CBN.
Sa Twitter ng beteranang aktes ay ibinahagi niya ang photo ng meeting niya with Kapamilya bosses.
Kabilang sa mga ito ay ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal, executive-in-charge of production na si Erick Salud, executive-in-charge of creatives na si Rondel Lindayag, at creative manager na si Danica Domingo.
Kasama din nila ang direktor na sina Manny Palo at Jojo Saguin.
Huling napanood ang beteranang aktres sa primetime serye na “Ang Sa Iyo Ay Akin” na nagtapos noong nakaraang taon.
Sa ngayon ay wala pang binibigay na.detalye si Marya o maging ang Kapamilya hinggil sa gagawin niyang bagong teleserye.
Sa mga nagdaang buwan na wala pang ginagawang bagong proyekto si Maricel ay pinasok na rin niya ang pagba-vlog.
Say ni Marya, nami-miss na raw niya ang muling umarte.
Gumawa raw siya ng vlog para maging bisi-bisihan.
Naaliw naman ang aktres sa kanyang ginagawa at nang makita niya na dumarami ang kanyang followers ay kinarir na niya.
Pero, akting pa rin daw ang kanyang passion kaya super-excited na siyang muling humarap sa kamera.