MULING magsasama ang DongYan.(Dingdong Dantes at Marian Rivera) sa pelikula.
Kaya naman ang DongYan fans ay sobrang excited sa muling pagtatambal ng mag-asawa
“Rewind” ang title ng movie na produce ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.
Si Mae Cruz-Alviar ang direktor ng “Rewind.”
Aniya 2020 pa raw na dapat.ginawa ang movie pero na-postpone dahil sa pandemic.
“I think ‘yun ‘yung isa sa mga exciting parts. Na alam mong ang tagal and yet, here we are, we’re launching it now, and it’s the time for it. Kumbaga, in God’s perfect time,” ani Direk Mae.
Eh, bakit nga ba napa-oo ang mag-asawang tanggàpin ang project.
Kuwento ni Marian” “Bawat kwento sa akin, bawat paglipat ko ng pahina doon sa script, parang walang tapon sa script eh. Walang dahilan para hindi ko ito gawin — especially alam ni [Dong] na every time na magka-partner kami [sa isang project], meron kaming moment na mas tumitibay kami. ‘Ah may ganun pala siya’ so may bagong nadi-discover sa kanya na lalo akong na-iin love.”
Dagdag pa ng Primetime Queen Kapuso actress: “Sabi ni Direk sa’kin, ‘Yan, may soap ka, may ganito ka, sure ka?’ Sabi ko ‘Hindi, gagawin ko ‘yan kahit mahirapan ako sa schedule.”
Say naman ng paboritong aktor ng Kapuso: “Siyempre bukod sa makakasama ko siya, makaka-collaborate ko ang mga mahuhusay na creators, eh ang gusto na rin namin na pinipili namin ay maging proud kami sa mga anak namin. Ganitong klaseng pelikula at kwento ang gusto naming ibahagi sa mga manonood. And it is a family movie.”
“Sa madaling salita, ito ‘yung klase ng pelikula na alam naming magiging proud ‘yung mga anak namin sa amin,” dugtong pa ni Marian.
May nagkomento na ang rami raw ng projects ni Dingdong na binibigay ng Kapuso sa aktor.
“Dingdong na naman wala bang pahinga to. Give chance to others naman.”