Latest News

MARIAN, DINGDONG MAY SITCOM NA PAGSASAMAHAN

NI WALLY PERALTA

KUNG gaano kahaba ang pandemya sa bansa, ganun din yata kahaba ang ipinag-stay sa loob ng kanilang tahanan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Kung may taping naman siya ng hosting job sa “Tadhana,” sa bahay na lang din ito kinukunan.


May piling-piling event lang na dinaluhan ang aktres kapag kinakailangan.

Pero Ngayon n medyo maluwag na ang sitwasyon ng bansa, gagawa na kaya ng isang serye o movie si Marian?

“Definitely yes!” sagot ni Marian.

“Hindi ko alam kung p’wede ko ng sabihin, pero ’yung sitcom namin ni Dong, may script na kami. Excited na kami and taping na lang talaga ang hinihintay.


“Hindi ko alam, pero kung saan safe kami, pinag-uusapan pa namin. At least, magbabalik kami and with Dingdong Dantes pa,” masayang pagbabalita ni Marian.

Tags:

You May Also Like

Most Read