NI BETH GELENA
MAY upcoming series na gagawin ang GMA7 na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Julie Ann San Jose at Barbie Forteza entitled “Maria Clara at Ibarra” na historical portal na fantasy ang tema.
Kuwento ito ng isang Gen Z na mapupunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal at makikilala ang mga tauhan sa mga kwento nito kabilang na sina Maria Clara at Ibarra.
May netizens naman na hindi sang-ayon na kasama sa cast si Julie Ann. Kesyo hindi raw keri nito ang umarte. Ilang beses na rin daw namang nabigyan ng chance si Julie Ann pero useless daw dahil hindi niya nabibigyan ng justice ang role na ibinibigay sa kanya.
Komento pa ng netizen, mag-concentrate na lang daw sa pagkanta dahil yun naman daw ang talagang forte niya.
Ang comment nanman nila kay Barbie, sana raw ay baguhin na nito ang pag-atake sa pag-arte. Bawasan na raw ang pagiging OA dahil nagiging komedya raw ang dating niya kahit nagda-drama na siya.
Wala naman daw.problema kay Dennis dahil versatile actor ang mister ni Jenny Mercado.