NI BETH GELENA
VIRAL ang video ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa kanilang paglalambingan hàbang nakaupo sa sofa.
Kinilig ang netizens sa “harutan” nina Mister at Misis Pacquiao.
Sabi nga ng netizens, ngayon lang daw nilang nakita kung paano maglambing si Pambansang Kamao sa kanyang misis.
Makikita sa video kung paano lambingin ni Manny si Jinkee habang sila ay nakaupo sa naka-recline na sofa habang maririnig naman ang background music ng American alternative band Sixpence None The Richer song na “Kiss Me.”
Ang nag-post ng video ay makikita sa TikTok ni “Roize Royal” (@roize1318).
Mahina ang boses ni Manny habang may sinasabi kay Jinkee na agad namang tinuka ni Jinkee ang labi ng asawa.
Reaksyon tuloy ng internet users: “Sana All.”
Ang TikTok video ng mag-asawa ay umani agad ng 4M views so far.
“Sana all… sana makatagpo rin ako ng lalaking ganito.”