Ni: Gerry Ocampo
NAKA-DINNER at naka-bonding nang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa South Korea si Ji Chang-wook, ang sikat na Korean drama actor na kinababaliwan ngayon ng Pinoy fans.
Kasama nina Manny at Jinkee si Mommy Dionisia at kakambal ni Jinkee na si Janet sa nasabing dinner sa South Korea.
Nasa South Korea ang Team Pacquiao para sa exhibition fight ng Pambansang Kamao kay Korean mixed martial artist na si DK Yoo sa December 11 na gaganapin sa Korea International Exhibition Center ( KINTEX).
Ang kikitain sa laban ay ido-donate para tumulong sa mga relief at recovery effort sa Ukraine.
Nagpunta din ang grupo ni Manny sa Itaewon.
“Had the honor to visit Itaewon and show my respect to the 158 lives that were lost on October 29 here in South Korea,” post ng Pambansang Kamao
Ang balita ay maraming Korean celebrities ang manonood ng exhibition fight nina Manny at DK Yoo at kabilang daw dun ang dalawang sikat na BTS member.
Nandun din si Arci Muñoz na kasama ang bagong boyfriend na si Seth Shannon Jamora na kamag-anak pala ni Jinkee.
Kaya hindi na nakapagtataka kasama sa tropa ni Manny si Arci.
Hindi rin ‘yun ang first time na nag-hangout sina Manny at JInkee with Ji-Chang-wook.
Samantala, balitang naibenta na ang mansion nina Manny at Jinkee sa Forbes Park sa halagang P1 billion.
Isang super-rich na businessman mula sa Indonesia ang nakabili ng napakalaking mansion nina Manny at Jinkee sa Forbes Park.
May ilang netizen naman ang nakasilip ng ipinost ni Jinkee na mistulang nagsu-supervise sa pagpapagawang bagong mansion na nasa Forbes Park din.
Marahil ay napagtanto nina Manny at JInkee na hindi nila kailangan ng napakalaking mansion para tirhan, kaya posibleng mas maliit ito kumpara sa ibinenta nilang Forbes Park mansion.