Latest News

Maine, forever love ni Arjo

NI BETH GELENA

TATLONG taon na ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Matibay na ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan as a couple.

Umpisa pa lang kasi, pawang pamba-bash na Ang natanggap ni Arjo dahil siya raw ang dahilan kaya nagkahiwalay ang AlDub Nation — ang fandom nina Maine.at Alden Richards.

Never namang sinuko ni Arjo ang pagmamahal sa Dubsmash Queen.

Simple lang ang ArMaine kung mag-celebrate ng kanilang anibersaryo.

Maging ang mensahe nila sa isa’t isa ay simple lang din, pero feel na nandoon ang pagmamahalan nila sa isa’t isa — mapa-anniversary man o birthdaynila.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng 27th birthday si Maine.

Isang simpleng birthday message ang pinadala ng actor sa girlfriend.

“Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.with heart emoji.”

Sino naman ang hindi kikiligin sa simpleng mensahe ng aktor pero punumpuno ng pagmamahal.

Maging netizens ay kinikig sa birthday message ng actor kay Maine.

“Ang matured tlga ng ichura ni arjo.. sorry haha.. pero nakakatouch ang bday greetings niya. Gusto niyang lagi siyang makasama ni Maine sa kaarawan nito. Meaning forever na,,,”

“Sana sila na nga forever. Pero di ko bet mga attire ni Maine”

“Parang nagiging magkamukha na sila. Feeling ko malapit na makasal.”

“Nakoopooo puputok nanaman ang butchi ng delulu nation”

“Mukhang May forever sila”

“nagagandahan ako kay maine lalo na sa nose niya hihi. ewan ko lang bukod sa bihira lang siya magpost (yes ik v private si ateng) ang lagi pa nakapost sa feed nya ay puro epic pics.(ig personality nya nga yon) anyways, hbd miss maineee”

“Parang nangangamoy proposal na soon! Happy for them.”

“Itsurang nagpropose nga sa shinare na picture e.”

Anyway, si Arjo ay tumatakbong kongresista sa unang distrito ng Kyusi.

Tags:

You May Also Like

Most Read