Latest News

Maggie Wilson dinagsa ng ‘asylum’ offers

NI BETH GELENA

Marami ang gustong tumulong kay Maggie Wilson na bukod sa pinalalayas sa kanyang townhouse sa diumano’y property ng dating asawang bilyonaryong si Victor Consunji, ay kinasuhan pa ng three counts of adultery dahil sa umano’y panloloko ng modelo.

Sa Instagram story ni Maggie nagpasalamat siya at tutulong daw siyang magdala ng pagbabago at maging boses para sa bawat babaeng dumaranas ng katulad na nangyari sa kanya.

“So humbled to know that so many Politicians, International Governments (offering asylum), International lawyers and human rights groups for supporting me and reaching out privately.

“We’ve got this, together. I will help bring change and be a voice for every woman going through the same thing I am in the Philippines,” say ni Maggi sa kanyang post.

May cryptic post din siya na: “I thought you wanted to keep the arrangement private.. So don’t start throwing all of your toys out of the pram.”

Sa IG story naman ni Tim Connor, ang sinasabing third party sa relasyon ng dating mag-asawa, na hindi siya magbibigay ng interview.

Mula raw sa Thai Royal family si Tim na laging topless sa kanyang posts at last week lang ay nasa bansa para sa endorsement nila ni Maggie.

“For everyone looking for a reaction or an interview from me? You won’t get one.

“I don’t stoop so low as to answer complete and utter rubbish accusations out of anger that hold no water. (Unless I am required to do so by law enforcement of that country).

“I hope for their son Connor’s sake, all issues between Victor & Maggie get resolved peacefully as soon as possible.

“This is not a circus; this is people’s family lives please respect that,” pahayag ni Tim.

Tags:

You May Also Like

Most Read