Latest News

Madam Inutz nakatikim ng malutong na mura kay Direk Cathy

NI BETH GELENA

MALULUTONG na mura ang tinanggap ni Madam Inutz sa direktor ng kanilang romcom serye na “My Papa Pi” na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Kasama si Madam Inutz sa nasabing serye kung saan first time niyang aarte.

Naka-lock in ang buong cast kaya naman nitong nakaraang Valentine’s Day ay magkakasama sila.

Nagkakasayahan ang buong grupo nang i-trigger ng online seller queen na murahin siya ng direktor.

Nakilala kasi ang talent ni Wilbert Tolentino na palamura habang nagbebenta sa online.

Hindi nagdalawang-salita ang former PBB housemate at malutong na mura ang tinanggap niya sa direktora — hindi lang isa kundi dalawang beses siyang minura ni Direk Cathy.

Knowing Direk Cathy, wala siyang inuurungan sa humahamon ng kanyang kapasidad.

Ibinahagi naman ni Madam Inutz ang kulitan nila ng direktor ng sitcom sa kanyang vlog.

“Direk pamura naman,” hirit ni Madam na sinundan naman agad ng malutong na mura ng direktor.

Samantala, muling nagbahagi ng mga larawan nila ni Piolo Pascual si Madam Inutz, ang lead actor sa “My Papa Pi.”

Masaya ring ibinalita ni Madam Inutz na nanalo siyang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawad Amerika.

Tags:

You May Also Like

Most Read