LUIS MANZANO, JESSY WELCOME FIRST BABY

NI BETH GELENA

NAG-POST ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ng photo ng kanilang first baby girl na si Isabella Rose noong Sabado sa kani-kanilang Instagram account.


“I never knew I could love like this. My little Rosie,” wrote Jessy on her photo’s caption with a rose emoji.

Si Luis naman, ipinapakitang karga-karga ang kanilang bagong silang na sanggol na babae habang tuwang-tuwang nakatingin sa anak.

“Hi Peanut,” say ni Luis sa caption ng photo.


Pinangalanan nila ang kanilang baby na Isabella Rose, na tinawag nilang Peanut noong hindi pa ito isinisilang.

Hindi naman tinukoy ng mag-asawa ang petsa ng kapanganakan ng kanilang bagong silang na sanggol.


Ang mga kaibigan at tagahanga sa showbiz ay nag-post ng mga mensahe ng pagbati para sa mag-asawang nagpakasal noong 2021.


Tags: Jessy Mendiola at Luis Manzano

You May Also Like