Lovely Abella nagpositibo uli sa Covid

NI GERRY OCAMPO

MULING nagpositibo uli si Lovely Abella sa Covid-19 kahit fully vaccinated na at may booster pa.


Maging ang mister niya na si Benj Manalo ay nahawa sa kanya kaya pinag-iingat niya ang lahat na huwag magpakalmante.

“Nagpapaalala na nasa tabi tabi lang siya at di nawawala, nagpapaalala na mag-iingat pa rin tayo lalo na ang iba di naman nag-iingat, nagpapaalala na ibalik ang dati kung paano tayo katakot sa kanya, Nagpapaalala na dapat isipin mong asymptomatic ang kausap mo at ayaw mong mahawa sa kanya.

“Yes, vaccinated ako, may booster pa, pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon, Mas natakot ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin. Di pa rin tayo safe ang mundong ginagalawan natin ay di pa rin safe,” kuwento ni Lovely.


Nahawa ang mister niya dahil sa pag-aalaga sa kanya.

Dahil sa pagkakasakit ay nagbago ang plano niya this year.


Naisip ni Lovely na kaya siya nagkasakit ay dahil- araw siyang nagtatrabaho. Mistulan kinalabit daw siya ni Lord na bigyan ng pahinga ang kanyang katawan.

Mas lalong sumikat sa pagpapatawa si lovely nang mapasama siya sa “Bubble Gang” kung saan nabigyan siya ng pagkakataon ilabas ang kanyang acting sa pagpapatawa.


Kaya kahit na anong mangyari ay hindi niya makakalimutan ang longest running gag show sa telebisyon na napapanood every Friday, 9:40 p.m. sa GMA 7.

Tags: Lovely Abella

You May Also Like